Yung feeling na kinikilig ka sa isang fictional character.

Shete, otso, nuebe, dyis lungs ah! Grabe lang, me is so kilig! (_ _”) Kasi naman eh, naaadik nanaman ako sa mga fictional stories tapos.. tapos ang galing pa ng author magpaiyak, magpasuspense, magpakilig at minsan naman, the story… just makes me feel so breathless. Grabe, sakit sa bangs (kahit walang bangs) ang mga nabasa kong pasabog sa isang story na binabasa ko.

Tongue in a lungs, kanina habang nagcocommute ako para akong timang.. napapasmile tapos ewan ko.. gusto ko maghyperventilate, gusto kong tumili.. grabe leche.. nawiwindang talaga ako. At nakakahiya kasi muntikan na akong mapasigaw nung nawindang ako sa isang revelation kaya …

Note to self: Never ever read on a public transportation; mapagkakamalan kang takas sa mental.

Yun lang naman gusto kong ishare eh.

PS: I’m a KevJe shipper ohohoho~ the despicable guy book 2 rocks. 

just saying :P

Posted 2 weeks ago with 2 note
End of the world (=_=)

Pansin ko lang, simula nung minulat ko ang aking mga mata ay panay na ang pagsasalita ng aming nag-iisang dakilang katulong tungkol sa katapusan ng mundo. 

Hanggang dito na lang pala post ko. Kbye :)

Ano pa ineexpect niyong sabihin ko? 

LOLJK. Syempre meron pa. Hmm, leche lungs.. kung 2012 ang last na year na mabubuhay ako dito sa mundo, gusto kong magpasalamat sa mga fans ko (as if meron).. okay tama na kakapalan ko.

Naisip ko lungs.. palagi na lang ako nag-iisip.. buti na lang may isip pa ako :)

TONGUE IN A LUNGS. Balik muna ako sa aking katinuan.

“Kung end of the world na, leche di pa ako nakakatikim. >:D” - famous line ng barkada

Ang unfair kaya (hindi about sa nakatikim na part). Syempre, kung end of the world na meaning patay na lahat. Edi wala ng natira kasi nga patay na ang lahat KAYA UNFAIR TALAGA. 

Di pa natutupad pangarap ko na magkaroon ng sariling business, maging super duper ultra mega na mayaman at successful. Gusto ko ring magkaasawa, maghoneymoon, gumawa ng pamilya at magka-anak.

PSH. Pustahan tayo yan ang pinakacommon na pangarap ng isang teenager, itaga mo pa sa bato o sa abs ni superman! Unless, gusto mong tumandang mag-isa or magpakasal sa Dyos. 

Kaya yun lang, dito na nagtatapos ang aking munting pagkwekwento.

Bye friends :)

GURABE.

Gurabe from the word ‘grabe’ which is mega super ultra amazing wagas sobra kaechosan lang, lagyan lang ng ka-ek-ekan ang word para maemphasize ang pagkagrabe/ pagkasevere ng nangyayari kaya GURABE \m/

Frankly, this post doesn’t make sense



Nawindang lang talaga ako sa pagbabago ni tumblr, ngayon ko lang kasi ito ulit binuksan kaya ayan, hindi kinaya ng powers ko. May pa-fan mail ng nalalaman si tumblr eehh :)) 

Posted 2 weeks ago with 1 note
Hello tumblr :”>

For 92834091204972394 years, ngayon lang kita na-open at ang rami na ng pinagbago mo, asensado ka na.. Iba na talaga ang panahon ngayon, umaarangkada ka na.. updated na updated na eeh :)). 

Iyon lang naman masasabi ko, ginawa ko lang ang text post na ito para lang makagawa. Iba na kasi kapag bored ka, kahit ano na lang ang trip. Buti nga, ito ang trip ko kaysa sa mag hit-hit ng rugby sa tabi-tabi.. Ayy, maitry ko nga yon minsan. Di wag na lang. Masama yon. Hays.

Kitams? Kapag bored ang isang tao, para ng nasasapian ng masamang ispirito, iba na mag-isip at kinakausap na ang sarili o baka ako lang ang ganito? Nababaliw na ba ako? NOPE. bored lang ako at kinakausap ko naman ang sarili ko habang nagtatype nito

Okay, nonsense na ang post na ito.

Kaya goodnight tumblr :”> binisita lang kita. 

Namiss kita eh, miss mo ba ako? kung hindi, che!

Posted 2 weeks ago with 4 note
“The first time you make a mistake its an accident, the second time you make the same mistake its on purpose, and the third time you make that same mistake its no longer a mistake, its a habit.”

(Source: maeeeloves)

Posted 3 months ago with 7 notes
Home Ask Archive Credit « back